Lumaktaw sa pangunahing content

Paggamit ng Code-Switching ng mga Mag-aaral by GROUP 3

     
      Malaki ang nagiging epekto sa mga kabataan ng pagkakaroon ng isa sa higit pang wika kapag sila’y nakikipag-usap sa loob ng paaralan. Alam naman natin ang kahalagahan ng wika sa pakikipag komunikasyon, dahil dito ay nagkakaroon tayo ng pagkakaintindihan at pagkakaisa. Sa katunayan may mga wika na ang pinagsama ng mga Pilipino sa isang salita. Madalas nilang pagsamahin ang wikang Tagalog at Ingles na mas kilala rin sa bansag na Taglish.
    Tayo ngayon ay nasa panahon ng modernisasyon na kung saan laganap ang maraming pagbabago. Isa na rito ang pagpapalit wika o mas kilala narin sa katawagang Code Switching o ang pagpapalit ng koda.
     Ang Code Switching ay kalimitang nagagamit sa Ingles-Filipino, nangyayari ang palit koda dahil higit na madaling maunawaan ito pagdating sa pagbibigay ng opinyon at pagbibigay pangkahulugan.
     Ang Code Switching ay madalas na gamitin sa paaralan dahil hindi ganun kadali para sa mga kabataan o mag-aaral ngayon ang paggamit ng wikang Ingles.
     Sinabi ni Poplack (1978) na ang pagpapalit wika ay  paghahalinhin ng dalawang wika sa loob ng isang diskurso, paguusap o mga bahagi. Sa kanyang ulat tungkol sa balanseng bilinggwal, sinabi niyang ang pagpapalit-wika ay mauuri ayon sa antas ng paglalakin ng mga aytem mula sa isang wika (W1) sa patern ng ponolohikal, morpolohikal at sintaktikal ng ibang wika (W2) (Fil 102 Document). May iba’t–ibang uri ng pagpapalit–wika ayon narin kay Poplack na kanyang naobserbahan sa iba’t–ibang pagkakataon. Ayon sa kanya, ang pagpapalit–wika ay maaaring Saz–Switching, Intersential at Intrasentential. Ang Saz–Switching ay tumutukoy sa pagsingit ng tag sa isang wika sa pahayag na nasa ibang wika. (Ang halimbawa ng tag sa Ingles ay, You, know. I mean, well at iba pa). Ang mga ito ay madaling isingit sa mga pahayag na monolinggwal nang hindi nila nilalabag ang mga tuntuning sin taktik. Sa kabilang dako, ang Intersential Switching ay tumutukoy naman ng pagpapalit wika sa hangganan ng sugnay o pangungusap kung saan ang sugnay ay nasa ibang wika. Nangyayari ito sa pagitan ng turno ng mga nagsasalita. Ang Intrasentential Switching ay tumutukoy naman sa iba’t–ibang  anyo ng pagpapalit wika na nagaganap sa loob ng hangganan ng sugnay o pangungusap.
     Ang pagpapalit wika ay hindi lamang lumilitaw sa mga pahayag na mga salita kundi may sadyang gampanin. Si Gumperz (1982) ang nagsasabing ang pagpapalit wika ay maaaring matagpuan sa halos lahat ng sulok ng paguusap at maaaring gumanap ng alinman sa mga sumusunod: (1) Pagpapakilala sa tahasang sinasabi (auotation) o inulat sa pahayag (reported speech) ng iba. (2) Pagtiyak sa tao/kausap na pinatutungkulan ng mensahe. (3) Pagpapakilala ng interiection o bilang pamuno sa pahayag. (4) Paguulit ng mensahe upang ito’y linawin o bigyang diin. (5) Paglinaw sa anumang pahayag. (6) Pagpapakilala ng personal na opiniyon o kaalaman bersus pagtukoy sa isang katotohanan.
     Ayon naman kina Bloom at Gumperz (1972) ay may dalawang uri ng “Code Switching”. Ang una ay “Situational Code Switching” ito raw ang nagbibigay pahayag na siyang pagpapa–iba sa isang naturang sitwasyon. Ang isang halimbawa nito ay kapag iniba ng isang tao ang pinaguusapan. Ang ikalawa ay ang “Metamhorical Code Switching” ito raw ang nagbibigay ng signal sa pagpapalit ng tono mula seryoso tungo sa sitwasyong komiks. (Fil 102 Documents)
     Si Wel (2000) ay nagsabing ang pagpapalit wika o Code Switching ay siyang karaniwang phenomenon sa mga bilinggwal at ito’y nagpapakita sa iba’t–ibang anyo. (Fil 102 Documents)
     Napili ang aming grupo na alamin ang Code Switching o pagpapalit–wika, dahil karamihan sa mga mag–aaral ang nahihirapang makipag–usap pagdating ng asignaturang Ingles.

     Napili din namin itong aralin dahil nais naming mabigyang diin kung ano nga ba ang positibo at negatibong naidudulot ng Code Switching sa mga mag–aaral at dahil karamihan sa mga mag–aaral ng Aurora National High School ang madalas gumamit ng Code Switching pagdating sa pagsulat at pakikipag-usap.

Mga Komento

  1. Can I ask for the author/s because I want to use it as a source?

    TumugonBurahin
  2. Hindi maiiwasan ang mali at iresponsableng paggamit ng wika sa madaliang
    komunikasyon tulad ng code switching. Ano kaya ang epekto nito at ano ang
    magagawa o maitutulong mo para mapanatili ang standard ng paggamit ng wika?

    TumugonBurahin
  3. can i ask for the list of referrence please


    TumugonBurahin
  4. How to Make Money off of Making Money off of Playing Slots
    It's a very 1xbet simple and intuitive approach. You simply have to wager money online on the kadangpintar casino games งานออนไลน์ that you'd like to play. This will take you

    TumugonBurahin
  5. Playtech announces live dealer solution for India - JTM Hub
    Playtech, 출장마사지 the world's leading online 안동 출장마사지 gambling software developer, today announced 충청북도 출장샵 an extension to its 양산 출장샵 portfolio 제이티엠허브출장안마 of Live Dealer Casinos to

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento